Friday, July 22, 2011

Go Azkals

Kabalintunaan

Di ko alam, di ko maintindihan.
Noon akin ka, akin ka ng buo.
Di ko naman ginustong malayo ka
Pero piabayaan lang kita.

Tumahimik ang lahat
Pero hindi ang aking puso at isipan
Sa tuwing ikaw ay natatanaw
Mga nakaw na sulyap laging binibitaw.

Ngayong ako ay may lakas na ng loob
Na lapitan at kausapin ka
Bumabalik ang malakas na pintig
Kaba, tuwa tuwing kausap ka.

Hindi ko maintindihan
Ano ‘tong nararamdaman
Ayokong maging mang aagaw
Hindi kita kayang saktan.

Akin ka noon
Anong nangyari ngayon?
Ako ay nakikihati, nakikibahagi
Sa iyo kapag wala siya.

Masaya talaga
Pero alam kong hindi tama
Pagsisisi lang ang tanging magagawa
Ginawa ko ba ay tama?

adsum
9:42am