Part 1
Masaya ang lahat dahil sila ang nakakuha sa bahay na pinapaupahan. Magkaklase sa high school sina Jen at Luis. Galing sa probinsya at ngayon ay nagtatrabaho na sa syudad. Kasama ang ilan pang kaklase at kaibigan napagpasyahan nilang maghanap ng isang mauupahang apartment upang matupad ang kanilang mga kwentohan noon na kapag nakapagtabaho na sa syudad ay magsasama pa rin sila.
Isang masayang pagkakahalo ng iba't ibang tao ang section nina Jen at Luis. Kahit magkaiba sa ugali, paniniwala at gawi, sila ay nagkakaisa sa mga bagay lalong lalo na kapag may naagrabyadong isa o kaya'y may sangkot sa gusot. Kahit noong college na sila hanggang ngayon hindi pa rin sila nagsasawang pag-usapan ang mga kwentong tungkol din sa kanila kahit pa sabihing memoryado na ng mga tao ang lahat ng mga estorya. Masaya kasi pag sila ay nagsasama, masaya ang mga ala-ala, masaya ang magkwentuhan kahit pa hanggang umaga.
Isang araw, nagpasya silang magkita para kumain ng Pizza, kasama ang isa pa nilang kaklaseng si Rose. Late pa nga si Luis kasi galing sa trabaho nya. Doon nila napagpasyahang maghanap ng apartment para magkasama na sila at dahil na rin may iba pa raw na susunod at makikisama sa bahay. Mas masaya yun, ang ingay siguro, naisip nila.
Ilang hapon ding nagpalibot libot ang magkakaibigan. Kung hindi mahal, wala nang bakante o naunahan na. Hindi sila sumuko hanggang sa may natagpuan silang notice. "Bilis puntahan natin", napasigaw si Luis. Tamang tama lang kasi yung may ari aalis na pala sa bahay, doon na maninirahan sa probinsya kaya nila pauupahan ang bahay nila. Maganda, bago lang, malinis at malaki pa. Pagkababa nila, may iba namang umakyat, nagtanong, napakunot noo at napailing sa presyo ng renta. Pero nasabi ng magkaibigan na maganda talaga ang bahay, ang lokasyon nito ay strategic kasi malapit sa kalsada, sa sakayan, sa eskwelahan, sa grocery, sa simbahan at sa mga kainan at disco.
Pinilit nilang makuha ang apartment, naghigpit ng sinturon at sa wakas naging ok na ang lahat. Kulang na lang ng mga gamit at magmumukhang bahay na talaga ito. Sa laki ng bahay pwede pang magpatintero dito, maghabolan at maglaro. Noong una tatlo lang silang nakatira--si Jen, Luis at Mon. Yung kapatid at pinsan ni Luis ay darating pag pasukan na. Ang kapatid ng kaklase nilang si Aira ay makikituloy rin pero sa pasukan pa rin ang dating. Ilang araw at gabi ang nagdaan. Unti unting nang nadagdagan ang nakatira sa bahay. Dumating na si ang pinsan ni Luis na si Josie, ng kapatid nyang si Sheila at ang kapatid ni Aira na si Renan. Nakituloy din si Phil na magrereview para sa Criminology board exam.
Masaya ang lahat. Sama sama sa pagkain, tulong tulong sa mga gawain.
Isang gabi pagkalabas ni Luis sa banyo pagkatapos maligo, may napansin siyang isang matandang lalaki na dumaan. Matanda, nakasuot ng shorts at mabilis na naglakad palabas ng pintuan sa likod. Siya ay nabigla sa kaniyang nakita at pinilit ang sarili na paniwalaing iyon ay isang guni-guni lamang. Hindi niya ito ikuwenento kanino man. Ilang araw ang lumipas, maraming hindi magagandang bagay ang nangyari, problema sa trabaho, sa pamilya, sa kalusugan kanilang naranasan. May pagkakataong nahuhuli sila sa pagbayad ng mga bills at renta sa bahay. Sila ay nagtaka, sila ay napag-isip kung ano ang nagyayari. Si Jen ay binibisita na rin ng mga bangungot. Pilit man nilang hindi maniwala sa mga espiritu o mga ibng nilalang, minabuti nilang bumili ng santo na pinabendisyonan sa simbahan. Ito ay para sa kanilang espirituwal na paniniwala at para na rin kung baka sakali makatulong sa pagpapaalis o pagpapatigil sa kung ano o sino man ang gumagambala sa kanila.
Naikwento na rin ni Luis ang kaniyang nakita at simula noon sila ay parang naliwanagan na. Unti unti ring nabawasn ng tao. Si Josie, Phil at Renan ay umalis na habang may dumating namang mga bagong kasama. Si Grace na dating ka boardmate ni Luis sa college pa siya at si Alvin na anak ng kasama sa opisina ng ina niya. Nagpatuloy ang lahat sa kani kanilang buhay. Nawala na rin ang gumagambala sa kanila. Minsan si Grace ay nakakapanaginip din sa matandang lalaki pero hanggang doon na lang yun. Ang lalaki ay nakita din pala ng kapatid ni Jen isaang gabi habang palabas siya. Akala niya ay may magnanakaw kaya naghanda siya ng pamalo pero sa kanyang gulat ang pinto ay sarado at walang tao ni isa.
Ang mga bagay bagay na ganyan ay binaleawala na lang nila. Sila ay nasanay nang mamuhay ng kasama ang isa't isa. Siguro ayaw lang ng matanda na may bagong titira sa bahay nila, pero nasanay na rin siya at natanggap na ang kanyang mga bisita. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nila alam at kilala kung sino ba talaga ang matandang lalaki naglalakad sa kusina.
to be continued.....
Adsum
June 3, 2011
11: 40 am
3 comments:
Based on real life experience. . .
suspense, thrill and horror.
nakakapanindig balahibo.
pakitapos po ng kwento bitn kasi ang pa naman galing pa nman ng pagkagawa kasi base sa totoong karanasan.
excited ako sa susunod na kabanata.. kasi parang kilala ko yung mga tauhan sa kwento.. hihihih
para yatang tagalog tayo ngayon ha, pati ang nag.kokomento...hehehe....hayaan nyo ang susunod na kabanata ay gagawin nating mas kaabang-abang...
Post a Comment