Saturday, May 28, 2011

On Writing

Justice for Gerry Ortega!

Since the reacquisition of Philippines' democracy in 1986, Gerry Ortega is the 142nd slain journalist. While reading news articles about him, I thought of the advantages and disadvantages of writing, of bravery and of standing against the corrupt majority. I have not known him personally but he is a loss as a politician, as a journalist, as a civic leader and as a Christian.

Talento nga ba ang pagsusulat? Bakit ba tayo nagsusulat? Is a person destined to write and embrace it as a profession? In the first place can you consider it as a profession? Maraming katanungan ang pumasok sa aking isipan. Personally, I write because I want to share. Everyone is not given an opportunity to be able to speak with somebody to share ideas, feelings, and emotions. Everyone does not get the chance to capture a willing audience to listen. However, when you write, you tap the your inward self and share with humility and sincerity your opinion, views and insights no matter how interesting or insensible they are.

Napagtanto ko na sa pagsusulat, di mo kailangan na mamili ng tao na babasa sa iyong mga akda. Nagsusulat ka hindi para sa ibang tao, kundi para sa iyong sarili. It is one avenue where you are able to release your thoughts, angsts, happiness, disappointments, achievements, and failures. You write not to impress but to touch lives. Kung may taong nagugustuhan ang naisulat mo. If some people were influenced by the ideas you conveyed. Kung may mga taong indi ka maintindihan dahil sa lenggwahe mo. If people applause and congratulate how well you wrote. Kung may magsasabing pangit at walang saysay ang tema ng isinulat mo. Be thankful for you were not expecting those reactions when you wrote your piece. Ibig sabihin, regardless of the positive or negative comment, the hard fact is napansin nila ang isinulat mo, napansin ka nila. You were able to share your thoughts, you were able to reach them and their reactions is the living proof of that. Like Gerry Ortega, he wrote about the truth, he wrote for everyone. Through the simplicity of his words, many have been awakened from their deep slumber. Through the sheer power of the ink and the pen, he was considered as a threat by the guilty. Despite this he continued for he was guided by his conscience and good faith.

Para kanino na ba ang pagsusulat? Sa aking palagay ay para sa lahat. Di na kailangan ng mabulaklak na pananalita or idiomatic expressions. Write from the heart, explore, and let yourself be heard.
-ooOOoo-
Below is an excerpt of Bob Ong's (Stainless Longganisa) view on writing:
"Pag tinatanong ako ng mga tao kung ano ang maganda sa trabaho ko, sinasabi kong amo ko ang sarili ko. Pag tinatanong nila ako kung ano naman ang pangit, sinasabi ko ring amo ko ang sarili ko.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Lahat kasi ng aspeto ng trabaho nakaasa sa'yo. Ikaw ang boss at ikaw din ang tauhan. Alam nila pareho kung natulog lang maghapon ang isa't isa. Pag nag-AWOL ang boss at nagdesisyong mag-mental bungee jumping, automatic na on-leave din ang tauhan. Tigil ang produksyon.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Hindi mo maloloko ang time card ng opisina. Hindi ka mareregular. Walang promotion. Walang 13th month. Walang bonus. No work, no pay. Walang half-day, walang holiday. Walang overtiem pay. Wala man lang perks o company give away. Walang Christmas party. Walang outing. Wala kang katrabaho. Wala ka man lang masabihang bad trip ka kay boss bukod sa kamay mong drinowingan mo ng mukha.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Buong kumpanya nakaasa sa'yo. Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo. Walang deducton sa late o absences dahil ang usapan lang lagi ay kung may natapos ka o wala. Piece work wage. Walang mga palusot na kailngan dahil wala ring mga palusot na uubra. Wala kang ibang hahagupitin kundi sarili mo, at walang ibang hahagupit sa'yo kundi ikaw. Lahat, self service.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Pag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para di masayang ang pagkakataon. Walang "sandali lang" o "teka muna." Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Doble ang hirap sa trabaho kung masakit ang ulo mo dahil ulo mo mismo ang kailangan mo sa trabaho. At hindi mo rin pwede lunurin sa trabaho ang mga naiisip mong problema sa buhay dahil ang mag-isip ang mismo mong trabaho.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Mata lang ang kailangan ng pintor para malaman kung pangit o maganda ang produkto n'ya. Tenga lang ang sa musikero. Dila at ilong lang ang sa kusinero. At dalawang oras lang ang sa mamemelikula. Pero sa manunulat, kailangan n'yang basahin nang paulit-ulit at intindihin ang mga naisulat n'ya para malaman kung nakakaantok, matabang, sintonado o maputla ang naging resulta.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Araw-araw may shootout ang manunulat at ang suki n'yang demonyo. May general assembly ang iba't ibang tao at Pokemon sa loob ng ulo n'ya. At may riot ang mga prinsipyong nasungkit n'ya noong mga nagdaang dekada. Lahat yan nangyayari habang pinipilit n'yang maging mas matinong tao ngayon kesa kahapon. Tulad ng magsasakang nagtatanim ng palay sa gitna ng giyera.
-ooOOoo-

Very interesting right? Very inspiring. Madagdag ko lang, di para sa tamad ang pagsusulat, pero pwede kang magsulat kung tinatamad ka.

Adsum
May 28, 2011
2:59 pm

No comments: